Sunday, March 20, 2011

Mahal

Oo nga mahal, kung ikaw yung kasama ko nag-passaayain sana kita magmeryenda muna sa labas, treat ko kumbaga dahil super saya ko kanina! Kaso wala eh, siya! Nahihiya lang talaga ako pag mahal ko yung isang tao... and `yun na nga... mahal kita kaya siguro nahihiya ako. Alam mo mahal, kung pwede lang talaga, tayon na... As in... alam mo `yun, forever hanggang kasal, kaso unfair talaga ang mundo.
~JSA
-START WEEK 3-
"Kaso after nu`n, may nangyari na hindi maganda... sobra... and I`m sure hindi mo `yun makakalimutan... haha... grabe talaga yung Saturday na `yun, punong-puno ng emosyon... bumabaha ng luha... at dumudugo ang mga puso."

"Tapos yung time naman nagusto na kitang kausapin, umurong na dila ko... ayoko sanang isulat `to dito sa letter ko kasi malungkot, kaso may other side kasi nang nangyari `to na nagustuhan ko... lalo kitang minahal, mahal... as in...."

"Basta mahal, anu man ang mangyari, kahit ilang "f" pa dumating sa`tin... di mag babago... ang nararamdaman ko sa`yo, "MAHAL PA RIN KITA" at "MAS MAMAHALIN PA KITA" sa mga susunod na araw...

"Alam mo mahal, sa dami ng mga naging kaibigan ko, (well actually, kaunti lang sila, compared sa mga kaibigan mo, pero for me, marami na sila, haha!) ikaw lang yung super na minahal ko... as in parang special friend na kita... nandito ka na ohh... dito... dito sa "<3" ko, at mawawala ka lang dito, kapag tumigil na tibok ng puso ko.. hahaha (OMG sa lalim!) (Nalulunod ako, di pa naman ako marunong lumangoy, haha!)"

"Kasi parang ang sarap lang sa feeling na tayo talaga kasi alam nating mahal na mahal natin ang isa`t-isa... `di ko nga alam na magiging ganito tayo ehh..."

"Pero ngayon hindi na... kasi tayo na... akin ka na... haha at hindi na kita pakakawalan..... Medyo intense na ba mahal? Kasi feeling ko medyo lumalagpas na tayo sa du`n sa level natin.. haha.. pero pakielam ko.. masaya naman ako.. masaya ka rin naman diba.. masaya tayo!!! MAHAL NA MAHAL KITA!!! Sobrang ngayon lang ako nagkaganito.

"Mahal, may I ask you something? Sa dinami-dami ng kaibigan mo, I wonder lang naman kung nasaan ako du`n.. Sa`n yung place ko at pang-ilan ako? Kasi I feel na hindi naman ako ganu`n ka-special para maging... alam mo na... kaya natanong ko lang.. haha."

"Isa pa pala mahal, alam mo ba na dati madalas ko lang tinitingnan yung telepono ko dahil sa orasan kasi nga wala akong relo pero ngayon, madalas ko na yang tingnan dahil baka nagtext ka at kahit wala akong load, magkakaroon ako, mareplyan lang kita."

"Mahaba ba? Xenxa na mahal, enjoy lang talagang gumawa ng letter lalo na sa taong mahal na mahal mo ng sobra! ..Na kahit may pasok ka pa ng 8 AM bukas eh magpapakapuyat ka kasi nga mahal mo at alam mong matutuwa siya sa letter mo."

"Nami-miss na talaga kita mahal... nakakabaliw... mas nadadalian ko pa ngang isipin yung mga quiz at exam sa school kesa yung iisipin ko na nami-miss kita. :'("

"Basta mahal kahit na pareho tayong nawi-weirdohan sa mga nangyayari... medyo awkward... haha .. mahal na mahal kita talaga... at hindi `yun magbabago khit na magmahal ka pa ng iba."

"Kasi iniisip ko sana, kung pwede lang na ikaw siya... Kasi ikaw yung mahal ko, hindi siya."

"Miss na miss na kita mahal. At mahal na mahal kita... Kahit itanong mo pa kay Lord... Itanong mo lang pero wag ka pupunta.. haha.. kasi for sure susundan kita... kasi ayokong mawala ka... mahal na mahal kita... mahal... kathleen... kath, kat, katz... basta kahit anu pang name mo... mahal pa rin kita.. Love you mahal.. Miss you a lot.. mwaaa"
-END WEEK 3-
-START 06 APRIL 2011-
Alam mo namang never kita makakalimutan... Kathleen S. Musni... parehas tayo ng middle initial mahal.. dahil mahal na kita kahit nung si Kathleen Musni ka pa lang.

Eh kasi naman mahal, yung mga text ng iba... ordinaryong.. hi mics, hello mics... musta na? wat gawa mo?, nago-OJT ka pala? (Sinabi ko na ngang nago-OJT ako, ganu`n pa ire-reply.. nakakagago lang, di wag na lang replyan.) ..mas masarap pang i-type yung 'i love you mahal.' ... :)

Gusto ko kasi mahal palagi ka masaya.. Palagi kita napapasaya, para kahit di tayo nagkikita, nararamdaman mo pa din na mahal kita. :)

-END 06 APRIL 2011-

Mahal, sorry talaga. Mahal, yung mga ganung tao, bitter lang `yun sa buhay nila kasi walang nagmamahal sa kanila. Wala ka sa buhay nila at wala ako sa kanila. Kasi nasa iyo ako... at nasa akin ka. - 08 April 2011, Friday

No comments:

Post a Comment